Blazers dapa sa Grizzlies

PORTLAND, Oregon – Giniba ng Memphis ang Blazers, 112-99, para mapanatili ang pangunguna sa NBA noong Biyernes.

Si Marc Gasol ay nag­hatid ng 26 puntos at siyam na assists habang si Mike Conley ay may double-double na 21 puntos at 10 boards bukod sa siyam na assists para ibigay sa Gri­z­z­lies ang ika-14 panalo sa 16 laro.

Naputol ang siyam na sunod na tagumpay ng Blazers at nasayang ang 26 puntos ni Wesley Matthews.

Sa Toronoto, nasungkit ni Dallas coach Rick Carlisle ang panalo sa kanyang ika-300th laro sa liga sa 106-102 pananaig sa Raptors.

Si Carlisle ang ikatlong coach ng Mavericks na umabot ng 300 game kasunod nina Don Nelson at Dick Motta.

May 30 puntos si Monta Ellis at kalahati rito ay ibinigay sa huling yugto. May 11 puntos at 10 rebounds pa si Tyson Chandler para sa Dallas.

Sa iba pang laro, tumapos si Blake Griffin taglay ang 30 puntos at 10 boards sa 102-85 panalo sa Houston, ang nagdedepensang kampeon San Antonio Spurs ay umani ng 112-104 home win sa Sacramento at ang Denver ay nagwagi sa ikaapat na sunod na laro sa kanilang tahanan sa bisa ng 112-97 panalo.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Golden State ang Charlotte, 106-101; namayani ang Atlanta sa New Orleans, 100-91; tinalo ng Chicago ang Boston, 109-102; pinayuko ng Indiana ang Orlando, 98-83 at  nalusutan ng Milwaukee ang Detroit, 104-88

Show comments