M’weather nais nang labanan si Pacquiao
MANILA, Philippines – Binuko ng adviser ni Floyd Mayweather Jr. ang pagnanais nito na maganap ang pagtutuos nila ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Sa panayam ni Ryan Sandoval ng FightHype kay Sam Watson, kaibigan at adviser ng American boxer, sinabi nito na taliwas ang lumalabas sa bibig ni Mayweather sa kanyang ipinakikita kapag ang usapin na mega fight laban kay Pacquiao ang pinag-uusapan.
Hindi tumutugon si Mayweather sa katanungan kung lalabanan na ba niya si Pacquiao at sa halip ay patuloy na minamaliit ang kakayanan ng eight division world champion na anim na beses na pinatumba tungo sa one-sided unanimous decision si Chris Algieri noong Linggo sa Macau, China.
“Floyd wants to fight Manny Pacquiao real bad,” wika nito. “That’s all Floyd’s been talking about is fighting Manny Pacquiao. So once the deal is set and done, you’ll see the biggest fight you ever saw in your life.”
Sa tantiya ni Watson, dalawang laban ang makikita sa dalawang premyadong boksingero sa kapanahunang ito.
Ang pahayagn ni Watson ay ginawa kasabay ng paglabas ng dalawang malaking promoter na naghayag ng kahandaan na itaguyod ang laban.
Isa rito ay si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotion at handa niyang sagutin ang tinatayang $180 millon dollars para sa premyo lamang ng dalawang boksingero.
- Latest