^

PSN Palaro

Hapee pipiliting manalo kahit kulang sa tao vs Cebuana

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Masusukat ngayon ang tibay ng Hapee Fresh Fighters sa pagharap sa Cebuana Lhuillier Gems sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa TIP Gym sa P. Casal, Manila.

Hindi pa natatalo matapos ang apat na laro, ang Fresh Fighters ay haharap sa Gems sa ganap na alas-2 ng hapon na hindi kasama ang mga bigating manla­laro mula sa NCAA titlist na San Beda.

Sina Ola Adeogun, Baser Amer at Arthur dela Cruz ang ilan sa mga key players ng Red Lions na hindi makakapaglaro sa koponan dahil tutulungan nila ang San Beda na  manalo sa Finals ng Philippine Collegiate Champions League na gagawin din ngayong hapon.

Malakas pa rin ang puwersa ni coach Ronnie Magsanoc dahil naririyan pa sina Bobby Ray Parks, Jr., Garvo Lanete, Kirk Long, Earl Scottie Thompson at Troy Rosario ngunit dapat ay magdoble-kayod ang mga ito para punan ang nawalang produksyon at masabayan ang inspiradong paglalaro ng Gems.

Ang Hapee ang number one defensive team sa ibinibigay na 58 puntos sa kalaban noong kumpleto ang kanilang puwersa.

May pantay na 2-2 karta ang bataan ni coach David Zamar at galing sila sa 77-57 pagdurog sa Tanduay Light Rhum Masters para pigilan ang magkasunod na pagkatalo.

“It will be tough but we hope to ride on the momentum we gained from our last victory,” wika ni Gems coach David Zamar.

Ang Rhum Masters ay mapapalaban sa Café France sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon at hanap na wakasan ang tatlong sunod na pagkatalo tungo sa 1-3 baraha.

Nagwakas ang three-game winning streak ng Bakers nang naisuko ang 84-89 double overtime pagkatalo sa Cagayan Valley  na may 4-0 karta rin. (AT)

ANG HAPEE

ANG RHUM MASTERS

BASER AMER

BOBBY RAY PARKS

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE ASPIRANTS

DAVID ZAMAR

EARL SCOTTIE THOMPSON

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with