Momentum sa semis ang nakataya
MANILA, Philippines – Wakasan ang kampanya taglay ang panalo ang nakataya na lamang sa tatlong women’s teams na umabante na sa semifinals sa pagtatapos ngayon ng elimination sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Mangunguna sa magtatangka ang numero unong Petron Lady Blaze Spikers na haharapin ang Generika Live Savers sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang tagisan ng Cignal HD Lady Spikers at talsik ng Foton Tornadoes sa ganap na alas-2 ng hapon.
Ang Maybank at Cavite ay maghaharap sa men’s division dakong alas-6 ng gabi at ang mananalo ang malalagay sa ikatlong puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Core at suportado ng Air 21, My Phone,Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.
May 8-1 karta ang Petron at kasama sa kanilang tinalo ay ang Life Savers, 26-24, 25-18, 23-25, 25-23, sa unang pagkikita noong Agosto 18.
- Latest