Laro Ngayon
(Muntinlupa Sports Complex)
2 pm Mane ‘N Tail
vs Petron (W)
4 pm Generika vs RC Cola-Air Force (W)
6 pm Cignal
vs Cavite (M)
MANILA, Philippines - Sisikapin pa ng Mane ‘N Tail Lady Stallions na panatilihing buhay ang tsansa na makalaro sa semifinals ng 2014 Philippine Superliga na handog ng Asics sa pag-asinta ng panalo laban sa nangungunang Petron Lady Blaze Spikers ngayon sa Muntinlupa Sports Complex, Muntinlupa City.
Ito ang una sa dalawang magkasunod na out-of-town games ng ligang inorganisa ng Sports Core at suportado pa ng Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.
Sa darating na Miyerkules ay lilipat ang aksyon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna para sa pagtatapos ng elimination round sa kababaihan.
Sa ganap na alas-2 ng hapon mapapanood ang nasabing laban at kung manalo ang Lady Stallions (3-6) ay dapat pa silang manalangin na matalo rin ang Cignal (4-5) sa Foton sa Miyerkules para magkatabla ang dalawa sa 4-6 baraha.
Kapag nangyari ito, mauuwi sa quotient system ang pagdetermina sa ikaapat at huling koponan na aabante sa Final Four.
Ang Generika Life Savers at RC Cola-Air Force Raiders ay magtutuos sa ikalawang laro dakong alas-4 para malaman kung sino ang ookupa sa ikalawang puwesto habang ang huling laro dakong alas-6 ng gabi ay sa hanay ng Cignal at Cavite sa semifinals sa kalalakihan. (ATan)