^

PSN Palaro

Baldwin may laban para sa Gilas coach

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat isuko ng mapipi­ling bagong head coach ng Gilas Pilipinas ang kanyang ibang trabaho para mai­patupad ang programa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Ang naturang aspeto ay nakasaad sa napagka­sunduang kriterya na ibinalangkas ng Search and Screening Committee ng SBP para sa pagpili ng papalit kay Chot Reyes sa bench ng Nationals.

“If you’re a full time head coach in the PBA or any other team, you will have to divest yourself of that head coaching job if you are appointed as Gilas head coach,” ani SBP executive director Sonny Barrios.

Sa kanilang idinaos na ikalawang pagpupulong noong Martes ay dalawang pangalan ang sinabi ni Barrios na kanilang irerekomenda kay SBP president Manny V. Pangilinan.

Ngunit hindi ibinunyag ng nasabing komite, binubuo nina SBP vice chairman Ricky Vargas, PBA Commissioner  Chito Salud, PBA chairman Patrick Gregorio at vice-chairman Robert Non, ang pangalan ng nasabing dalawang coaches.

Ang sinasabing pinagpilian ng grupo ay sina Tim Cone ng Purefoods at Norman Black ng Meralco, Yeng Guiao ng Rain or Shine, Jong Uichico ng Talk ‘N Text, Robert Jawors­ki, Sr., Talk ‘N Text team consultant Tab Baldwin, NU mentor Eric Altamirano, Ryan Gregorio at Franz Pu­maren.

Isa sa mga nakasaad sa kriterya ay ang pagka­karoon ng malalim na pang-unawa sa international basketball.

Sa nasabing mga ikinunsidera, si Baldwin ang nagtataglay ng malawak na international coaching experience.

Si Baldwin ang hu­ma­wak sa mga national teams ng New Zealand, Malaysia, Lebanon at Jordan bago naging team consultant ng Gilas na pinamahalaan ni  Reyes.

 

vuukle comment

CHITO SALUD

CHOT REYES

ERIC ALTAMIRANO

FRANZ PU

GILAS PILIPINAS

JONG UICHICO

MANNY V

N TEXT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with