Algieri: ‘Talino ko ang magiging alas’
MACAU – Sinabi ni Chris Algieri na ang kanyang karunungan o ring IQ ang makakadaig sa malawig na eksperyensa ni Manny Pacquiao sa loob ng ring sa kanilang banggaan sa Linggo sa Cotai Arena.
Binanggit din ni Algieri sa mga reporters na nakausap niya sa training gym na hindi rin makakatulong ang mga fans ni Pacquiao sa kanilang showdown.
Nauna nang dumating ang undefeated junior-welterweight champion dito mula sa Los Angeles na may bitbit na apat na tao lamang.
Ang kanyang pamilya, mga kaibigan na halos 30 ang bilang ay nakatakdang sumunod dito.
Dinala naman ni Pacquiao ang higit sa 300 tao at sumakay sa dalawang AirAsia A320 planes mula sa General Santos City noong Lunes.
Inaasahang dudumugin ng mga fans ni Pacquiao, kasama ang mga naka-base sa Hong Kong, ang 13,000-seater Cotai Arena sa pagtunog ng opening bell.
Sinabi ni Algieri na nararamdaman niyang para siyang nasa alien teritory, ngunit balewala ito sa kanya.
“I don’t think it’s going to be a factor come fight night. It’s just me, myself and Pacquiao inside that ring,” dagdag pa ng American na ipinakita sa mediamen ang hindi ordinaryong training methods.
Lumundag ang kanyang trainer na si Tim Lane sa ring na nakapaa na naaayon sa traditional Muay o kickboxing attire para sa kanilang pagpapapawis ni Algieri.
Pinanood ni Lane ang shadow boxing ni Algieri at inilabas ang ilang sticks na tila baking pins na may nakabalot na tela.
Nakipagsabayan rin si Algieri ng ilang rounds kay Keith Trimble, nakasuot ng four-inch thick body protector.
- Latest