MANILA, Philippines – Imbes na makaapekto ay lalo pang naging mabalasik ang Elasto Painters sa paglalaro.
Hindi ininda ng Rain or Shine ang maagang pagkakatalsik kay head coach Yeng Guiao sa second period matapos gibain ang minamalas na Meralco, 107-79, sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa University of South Eastern Philippines sa Davao City.
Sinolo ng Elasto Painters ang ikatlong posisyon mula sa kanilang three-game winning streak kasabay ng pagpapatikim sa Bolts ng pangato nitong pagkatalo.
Tumaas ang Rain or Shine sa 5-2 sa ilalim ng Alaska (6-0) at Barangay Ginebra (5-1) kasunod ang San Miguel (4-1), Talk ‘N Text (4-2), Meralco (3-3), Globalport (3-3), nagdedepensang Puredoods (2-3), NLEX (2-4), Kia (1-5), Barako Bull (0-5) at Blackwater (0-6).
Napatalsik sa laro si Guiao sa 10:40 minuto sa second period makaraang makuha ang kanyang ikalawang sunod na technical foul dahil sa pagmumura sa mga referees.
Nakadikit ang Bolts sa 28-29 bago nagsalpak ang Elasto Painters ng limang three-point shot sa third quarter para iposte ang 74-48 abante sa 4:52 minuto nito.
Naging pisikal ang laro kung saan halos magrambulan sina Raymond Almazan ng Rain or Shine at John Ferriols ng Meralco sa huling minuto ng final canto.
Rain or Shine 107 - Lee 20, Chan 16, Jericho Cruz 15, Almazan 14, Belga 11, Tang 10, Teng 8, Uyloan 3, Ibañes 3, Quiñahan 3, Norwood 2, Jervy Cruz 2.
Meralco 79 - Macapagal 16, Dillinger 12, Caram 11, Hodge 9, Hugnatan 7, Anthony 6, Ildefonso 6, Guevarra 4, David 4, Atkins 2, Ferriols 2, Cortez 0, Buenafe 0.
Quarterscores: 27-19; 51-38; 87-56; 107-79.