Hobe-JVS ‘di bumigay

Laro Ngayon

(Marikina Sports Center)

7 p.m.  Sta. Lucia Land Inc. vs PNP

8:30 p.m. Team Mercenary vs Sealions

 

 

MANILA, Philippines - Kumapit ang suwerte sa nagdedepensang kampeon Hobe-JVS nang nailusot ang 80-79 panalo sa Kawasaki-Marikina noong Huwebes ng gabi sa 4th DELeague Invitational Bas­ketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Si Mike Warnest aymayroong 22 puntos at 13 rebounds habang si Henry Fernandez ay gumawa ng 15 puntos para sa nagdedepensang kampeon na nanatiling walang talo matapos ang apat na laro.

Lumamang ng hanggang 15 puntos, 55-40, ang Hobe bago naghabol ang Kawasaki-Marikina. Pero hindi sapat ang oras upang lasapin ng Kawasaki-Marikina ang ikatlong pagkatalo matapos ang apat nalaro.

 Si Melegrito ay umiskor ng 21 puntos at si Roy ay nagdagdag ng 17 puntos para sa natalong koponan

Tinambakan naman ng FEU-NRMF ang MBL Se­lection, 102-66, para sa ikatlo nitong sunod na panalo sa ligang  sinusupor­tahan din ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, at Tutor 911.

Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin ang www.sports29.com o ang facebook page ng DELeague.

 

 

Show comments