^

PSN Palaro

Altallettes, 3 pa umiskor ng panalo

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes

(The Arena, San Juan City)

8 a.m. Perpetual vs Mapua (M/W)

St. Benilde vs EAC (W/M)

JRU vs Letran (W/M)

 

MANILA, Philippines - Nagtala ng mga maga­garang panalo ang Perpe­tual Help, Emilio Aguinaldo College, Lyceum at San Sebastian sa pagbubukas kahapon ng 90th NCAA juniors volleyball sa The Arena sa San Juan City.

Hindi pumayag ang Altallettes na hindi tularan ang panalong naitala ng Altas at Lady Altas nang kalusin ang Letran Squires sa larong umabot sa apat na sets, 25-19, 25-17,31-33, 25-19, sa unang laro ng dibisyon.

Nakitaan pa rin ng ener­hiya ang Perpetual nang natalo sa extended ikatlong set para kunin ang panalo sa larong tumagal ng isang oras at 28 minuto.

Sina Ricky Marcos, Malden Deldil, Jody Margaux Severo at Vincent Recamara ay tumapos taglay ang 19, 16, 13 at 11 puntos para sa balanseng pag-atake na hindi nakita sa Letran dahil sina Dennis Begnotea at Aaron Sena lamang ang mga gumawa ng mahigit sampung puntos sa 18 at 16 marka.

Ang ibang mga laro ay nauwi sa straight sets  at ang Brigadiers ay umukit ng 25-17, 25-15, 25-12, panalo sa St. Benilde Baby Blazers; ang Lyceum Junior Pirates ay mayroong 25-22, 25-20, 25-18, panalo sa Arellano Junior Chiefs at ang Staglets ay may 25-15, 25-14, 25-21, panalo sa SBC Red Cubs.

AARON SENA

ARELLANO JUNIOR CHIEFS

DENNIS BEGNOTEA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JODY MARGAUX SEVERO

LADY ALTAS

LETRAN

LETRAN SQUIRES

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with