Matapos kay Algieri, Pacquiao gustong isunod si Mayweather

MANILA, Philippines – Walang ibang nasa isip si Manny Pacquiao kundi si Floyd Mayweather, Jr.

Ito ay sa sandaling talunin ng Filipino world eight-division champion si American challenger Chris Algieri sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.

“I do have one specific goal and that is to give the boxing fans the fight they have always asked for (against Mayweather),” sabi ni Pacquiao sa interview transcript ng 'Under The Light: Pacquiao-Algieri' ng HBO.

“I want that fight too. I believe good negotiations could produce the fight,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Mayweather na talunin muna ni Pacquiao si Algieri bago sila mag-usap ng Sarangani Congressman para sa kanilang mega showdown sa 2015.

Tatlong beses nabasura ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather super fight dahil sa mga isyu sa hatian sa premyo at pagsailalim sa drug at blood testing.

Nang matalo si Pacquiao kina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley, Jr. noong 2012 ay marami ang nagsabing dapat nang magretiro ang 35-anyos na si 'Pacman'.

Ngunit noong Nobyembre ng 2013 ay dinomina niya si Brandon 'Bam Bam' Rios at niresbakan si Bradley sa kanilang rematch noong Abril ng taong ito.

“As long as my skills and my passion remain strong, I want to continue my boxing career. When I retire, I want it to be on my terms. I do not want to spend my retirement regretting that I walked away from boxing before I was ready. I do not want to come back and fight after I retire,” ani Pacquiao.

Idinagdag pa ng Filipino boxing superstar na gusto niyang magretiro na isang world champion.

“My goals are to finish as a world champion, winning my remaining fights. Since the Marquez fight, I have approached every training camp and every opponent with 110 percent dedication,” sabi ni Pacquiao. “I would like to keep challenging myself in the opponents I will face in the future.”

Show comments