Matitikas na bilyarista sasargo sa RP Open 10-Ball
MANILA, Philippines – Pangungunahan ng world’s number 2 na si Shane Van Boening ng USA at number three Chang Yu Lung ng Chinese Taipei ang 11 rated billiards players na magpapakitang-gilas sa Philippine Open 10-Ball Championships mula Disyembre 8 hanggang 16 sa SM City Mall ng General Santos City.
Ang number four player sa mundo na si Dennis Orcollo ang siyang magdadala ng laban mula sa host country sa kompetisyong inorganisa ni Manny Pacquiao bilang isa sa kanyang selebrasyon sa paggunita ng kanyang ika-36th kaarawan sa Disyembre 17.
Pinasarap ang tagisan sa 10-ball ng $150,000.00 kabuuang gantimpala at ang mananalo sa singles division ay magbibitbit ng $50,000.00 unang premyo.
Ang iba pang world rated players na tutungo sa GenSan ay sina No. 7 Thorsten Hohmann ng Germany, No. 11 Ko Pin Yi at No. 12 Chang Jung Lin ng Chinese Taipei at No. 13 Mika Immonen ng Finlad.
Hindi pa kumpirmado ang paglahok ni Li Hewen na number 8 sa world ranking pero nagpasabi ang China na magpapadala ng pinakamahusay na manlalaro sa kompetisyon.
Ang iba pang Filipino cue artists na rated sa top 20 na sina Carlo Biado (9), Johann Gonzales Chua (10), Lee Van Corteza (17), Jeffrey Ignacio (19), Warren Kiamco (20) at Elmer Haya (21) ay kasali rin bukod pa sa mga maalamat na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Djangco” Bustamante.
- Latest