^

PSN Palaro

Sweep pakay ng Petron vs Foton

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walisin ang first round ang makakamit ng Petron Lady Blaze Spikers sa pagbangga sa wala pang panalong Foton Tornadoes sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ikalawang laro ito sa kababaihan matapos ang unang salpukan ng Generika Life Savers at Mane ‘N Tail Lady Stallions sa ganap na alas-4 ng hapon habang ang huling laro dakong alas-8 ay sa pagitan ng Cignal at Cavite sa kalalakihan.

Hindi pa natatalo ang Petron matapos ang apat na laro habang ang Foton ay hindi pa nananalo matapos ang apat na asignatura para mapaboran ang una sa ligang inorganisa ng Sports Core katulong ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

“Hindi kami magkukumpiyansa at pinagha­handaan namin sila. Lahat ng teams ay puwedeng manalo lalo na kung magpapabaya ka,” wika ni Petron coach George Pascua.

Ikalawang panalo ang paglalabanan ng Life Sa­vers at Lady Stallions sa unang labanan.

Galing sa four sets pagkatalo ang Mane ‘N Tail sa kamay ng RC Cola-Air Force Raiders noong Huwebes at sasandal uli sila sa galing ng import na si Kristy Jaeckel na gumawa ng 38 sa nakaraang asignatura.

vuukle comment

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

FOTON TORNADOES

GENERIKA LIFE SAVERS

GEORGE PASCUA

HEALTHWAY MEDICAL

IKALAWANG

JINLING SPORTS

KRISTY JAECKEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with