^

PSN Palaro

SBP screening committee magpupulong sa Martes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpupulong sa Martes ang search & scree­ning committee na binuo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, kinabibilangan ng mga major stakeholders at nautusan na gumawa ng short list ng coaching candidates para sa national teams na tatampukan ng mga PBA players, para magtakda ng kriterya.

Magtatakda ng petsa para sa selection process ng komite na pinamumunuan ni SBP vice chairman Ricky Vargas kasama sina PBA commissioner Chito Salud, PBA chairman Pato Gregorio, PBA vice chairman Robert Non (kumakatawan sa PBA D-League) at SBP executive director Sonny Barrios.

Susundan ito ng de­­­­liberasyon para sa irerekomendang mga pangalan na isusumite kay SBP pre­sident Manny V. Pangilinan, ang pinuno ng Executive Committee ng SBP para sa final decision.

Isang katulad na search & screening committee para sa national teams na hindi sangkot ang mga PBA players ang magpupulong sa Nobyembre 15.

Si Barrios, bilang ki­na­­­tawan ng SBP, ang ma­­ngunguna sa grupo na ka­bibilangan din nina SBP Board of Trustees members Edmundo  Baculi, kinatawan ng UAAP, Fr. Victor Calvo, O.P. (NCAA), Raul Alcoseba (CESAFI at Visayas-Mindanao regions) at Dr. Ernesto Jay Adalem (NAASCU at NCR).

Ang dalawang komite ang magrerekomenda ng mga kandidato at si Pa­ngilinan ang may hawak ng final decision.

 Ilan sa mga events na nakatakda sa 2015 ay ang 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa June at ang 28th FIBA Asia Championship sa China sa Agosto na magsisilbing regional qualifier sa Rio de Janeiro Olympics sa 2016.

 

ASIA CHAMPIONSHIP

BOARD OF TRUSTEES

CHITO SALUD

DR. ERNESTO JAY ADALEM

EXECUTIVE COMMITTEE

JANEIRO OLYMPICS

MANNY V

PATO GREGORIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with