^

PSN Palaro

Garcia kumpiyansang maipapasa na ang Incentives Act

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagdarasal ni PSC chairman Ricardo Garcia na maipasa na ang inam­yen­dahang Republic Act 9064 para matukoy na ang halaga ng insentibo na ibibigay para sa mga differently-abled athletes na nananalo sa malalaking kompetisyon tulad ng Asian Para-Games.

Wala sa naipasang batas ang insentibo para sa differently-abled athletes at ang pabuyang ibinibigay sa mga nananalo ay kusang loob na ibinibigay ng PSC board.

Dahil dito, ang halaga ng insentibo ay malayo sa ibi­nibigay sa mga atletang nananalo sa Asian Games.

Sa batas ay P1 mil­yon, P500,000.00 at P100,000.00 ang gantimpa­la ng gold, silver at bronze medalists sa Asiad habang P25,000.00, P15,000.00 at P10,000.00 ang gantimpala ng gold, silver at bronze medalists sa Para-Games.

“Hindi sakop ng Incentives Act ang pagbibigay sa mga differently-abled athletes kaya talagang malayo ang amount dahil ito ay kukunin sa pondo ng PSC at discretion ng PSC board. Di tulad sa mga nanalo sa Asian Games o iba pa na ang pinaghuhugutan ng pondo ay ang PAGCOR at defined kung magkano ang kanilang matatanggap,” wika ni Garcia.

Gumugulong na ang usa­pin na amyendahan ang Incentives Act sa Kongreso at umaasa si Garcia na bago matapos ang termino ng kasalukuyang administras­yon ay maipasa ito para magkaroon din ng magandang pagtrato ang mga differently-abled athletes.

 

ASIAD

ASIAN GAMES

ASIAN PARA-GAMES

DAHIL

GARCIA

INCENTIVES ACT

REPUBLIC ACT

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with