^

PSN Palaro

14 teams handa nang pumalo sa Chairman’s Cup

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang-handa na ang lahat para sa ikalawang edisyon ng PSC Chairman’s Baseball Classic na mag­bu­bukas sa darating na Sabado sa Rizal Memorial Baseball Diamond.

Ang kompetisyong ito na gagawin tuwing Sabado at Linggo lamang at matatapos sa Disyembre 7 ay inorganisa ni PSC chairman Ricardo Garcia para tulungan na rin ang mga UAAP teams sa kanilang preparasyon sa sasalihang liga bukod sa pagbibigay ng pagkakataon sa ibang baseball players na maipakita ang talento.

Umabot sa 14 teams ang magsusukatan ng galing at mangunguna rito ang Philab Ballbusters na siyang nag­dedepensang kampeon. Dinomina rin ng koponan ang pinaglabanang Commissioner’s Cup at tiyak na hindi papayag ang koponan na basta-basta na mawawala ang kanilang titulo.

Ang iba pang collegiate teams na kasali ay ang UAAP champion Ateneo Blue Eagles, National University, UST, UP, Adamson, Rizal Technological University, Bulacan State University at Bulacan Agricultural State College.

Nagpatala rin ang Philippine Air Force, Throwback at Unicorns habang ang Ateneo Blue Eaglets ang natata­nging junior team na kalahok sa torneo.

Para pasarapin ang tagisan, naglaan si Garcia ng P50,000.00 para sa mananalong koponan habang ang papangalawa ay may pakonsuwelong P25,000.00 premyo.

Double elimination ang format ng kompetisyon at ang elimination round ay paglalabanan sa 7 innings at ang koponan na lamang ng 10 runs matapos ang limang innings ay idedeklarang panalo na.

Sa 9-innings at walang mercy rule pagsapit ng semifinals at finals.

Ang mangunguna sa winner’s  bracket ay may twice-to-beat advantage sa koponang lalaban sa loser’s bracket sa championship round.

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

ATENEO BLUE EAGLETS

BASEBALL CLASSIC

BULACAN AGRICULTURAL STATE COLLEGE

BULACAN STATE UNIVERSITY

NATIONAL UNIVERSITY

PHILAB BALLBUSTERS

PHILIPPINE AIR FORCE

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with