Ang umukit ng kasaysayan sa World Jet Ski

Ipinakikita ni BJ Ang  ang kanyang tropeo  maka­raang  tuma­pos na ikatlo sa ka­tatapos lang na World Jet Ski Finals sa Amerika

MANILA, Philippines - Gumawa ng marka si BJ Ang ng Networx Jetsports nang pumangatlo sa pangkalahatan sa ProAm Runabout Stock sa 2014 Jettribe World Jet Ski Finals sa Lake Havasu City sa Arizona, USA.

Ito ang unang pagka­ka­taon na ang isang Filipino ay pumuwesto sa kompetisyon mula noong 1996 nang magpadala ang Jet Sports Association of the Philippines (JSAP) ng manlalaro sa prestihiyosong World Jet Ski Finals.

Tumapos si Ang sa unang puwesto sa Moto 1 at 2 para makalikom ng mahalagang puntos at malagay sa ikatlong puwesto kasunod nina Aero Aswar ng Indonesia at Eric Francis ng Palm Beach West Florida, ang nagkampeon at pumangalawa sa kompetisyon.

Ang torneo ay ikinokon­sidera bilang “Olympics of Watercraft Racing” at ito ay sinasalihan ng 160 mi­yembrong bansa .

Nagsi­mula si Ang sa sport sa mu­rang edad na siyam na taon dahil sa page-eng­gan­yo ng amang si Willie.

Ang ma­gan­dang ipi­nakita ang ku­mumpleto sa pa­nga­rap ni  Ang para magde­sis­yon na titigil na sa pagsali sa kompetisyon.

“It’s really been quite hard trying to put a balance bet­ween the hectic schedules of work and the rigorous demands of preparing  for such an international event. That’s why I decided this will be my last,” wika ni Ang.

Pinasalamatan din niya ang suporta ng pamil­ya dahilan kung bakit siya nag­tiyaga hanggang sa mara­ting  ang ta­­gum­pay na ito.

 

Show comments