Anthony humataw sa Knicks

NEW YORK--Bago lumipat sa New York, naalala ni Carmelo Anthony kung paano naiposte ng kanyang dating Denver Nuggets teammate na si Allen Iverson ang kanyang mga puntos.

Noong Linggo ng gabi ay sinamahan ni Anthony si Iverson bilang ikaanim na pinakabatang player na napabilang sa NBA’s 20,000 point club mula sa kanyang 28-point performance.

Isinalpak din ni Anthony ang go-ahead basket sa huling 1:23 minuto para igiya ang Knicks sa 96-63 panalo laban sa Hornets.

“I never thought I would be here actually talking about me reaching that milestone,’’  sabi ni Anthony. “I’m definitely humbled by this experience. I (guess I) got more to go.’’

Nakamit ni Anthony, isang seven-time All-Star, ang kanyang ika-19,999th point mula sa kanyang basket sa pagbubukas ng laro.

Sa 7:42 minuto sa opening quarter, pinasahan ni point guard Shane Larkin si Anthony para sa isang 3-pointer na humi­rang sa kanya bilang ika-40th player sa league history na umiskor ng higit sa 20,000 points.

Humakot si Amar’e Stoudemire ng 17 points at 10 rebounds para sa Knicks (2-1), habang may 15 si Shumpert.

Tumipa naman si Al Jefferson ng 21 points kasunod ang 17 ni  Gary Neal para sa Hornets (1-2).

 

Show comments