GENERAL SANTOS CITY, Philippines – Sinabi ni Strength and conditioning guru Justin Fortune base sa kanyang napanood sa TV na talagang tinalo ni Chris Algieri si Ruslan Provodnikov para makuha ang karapatang hamunin si WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa Macau sa Nov. 23.
“I realize what you see on TV could be different from what actually happens in the ring,” sabi ni Fortune na narito sa South Cotabato City para tiyakin ang kondisyon ni Pacquiao para sa kanyang title defense kay Algieri.
“On TV, sometimes you get influenced by the commentators which is why I mute my set when watching fights. I don’t really listen to commentators as a rule but the one TV analyst I like is Paulie Malignaggi who gives you a fighter’s perspective. Anyway, I thought Algieri beat Provodnikov, he won it on balls and ring generalship. After all, he survived two knockdowns in the first round and a swollen right eye to go the distance,” dagdag pa nito.
Inagaw ni Algieri ang WBO lightwelterweight title ni Provodnikov mula sa isang split decision win sa New York nong June 14.
Ito ang nagbigay ng pagkakataon kay Algieri para hamunin si Pacquiao.
Tumangap si Algieri ng $100,000 para sa kanyang laban sa Russian ngunit laban kay Pacquiao, napanangukan ang 5-10 stylist ng halos $1 milyon na pinakamalaki sa kanyang boxing career.
Sinabi ng 48-anyos na si Fortune na ang kondisyon ni Pacquiao ang magdedetermina sa panalo nito kay Algeiri.
“When Algieri gets hit and feels Manny’s power, you know he’s going to run,” wika ni Fortune. “Manny’s got to be in shape to chase him down. I guarantee Manny wins the fight but I won’t predict how he’ll get it done. Manny’s a machine and he’ll come to the fight ready to go 12 rounds if necessary. He’s been absolutely phenomenal in the gym, working harder than ever.”
Limang taong nagtrabaho si Fortune kay Pacquiao hanggang sa knockout win nito kay Jorge Solis sa San Antonio noong 2007.
Nakipaghiwalay siya kay trainer Freddie Roach dahil sa isang financial dispute at nagbukas ng sarili niyang gym sa Sunset Boulevard noong 2008. Muling kinuha ni Pacquiao si Fortune para sa kanyang laban kay Brandon Rios noong 2013.
Si Fortune ay nasa corner ni Pacquiao nang bawiin ng Filipino icon ang kanyang WBO crown mula kay Timothy Bradley noong Abril.