Team GenTri bumandera sa 2014 WCSU
MANILA, Philippines - Nakamit muli ng Team GenTri ni General Trias Mayor Antonio ‘Ony’ Ferrer ang overall crown para sa ika-14 sunod na taon sa Grade School (GS) Division at ika-pitong dikit sa High School (HS) Division sa West Cavite Sports Unit (WCSU) 2014 meet na ginanap sa Trece Martires City.
Nakakolekta ang Team General Trias ng 137 gold medals para tanghaling overall champion sa GS Division, habang sumegunda ang Trece Martires City na nakakuha ng 36 kasunod ang Coastal town Tanza nagkamit ng 26.
Ang High School GenTri ay nagdomina mula sa kanilang 179 gintong medalya kasunod ang Team Tanza na may 40 at ang Trece Martires City na may 20.
Ang ‘Galing Gentri’ Team ang may hawak ng titulo simula noong 2001 sa GS division at ang HS division naman ay nagdodomina noon pang 2008 sa panahon ni Mayor Luis Ferrer IV, ngayon ay Cavite 6th District Representative.
Ang Team GenTri ay nagdomina sa athletics, basketball, baseball, softball, football, taekwondo, lawn tennis, table tennis, arnis, swimming at volleyball, ayon kay Vice Mayor Morit Sison.
Sa Carmona, Cavite, tinanghal na overall champion ang Team Carmona ni Mayor Dahlia Loyola sa ginanap na East Cavite Sports Unit (ECSU) Meet 2014 kamakailan na nilahukan ng mga elementary schools sa Carmona, Silang at General Mariano Alvarez Cavite.
- Latest