Wangs magsosolo sa tuktok vs Warriors
Laro Ngayon
(Ynares Arena, Pasig City)
12 nn Cagayan Valley
vs MJM Builders-FEU
2 p.m. Wangs Basketball vs MP Hotel
4 p.m. Bread Story-LPU
vs Jumbo Plastic
MANILA, Philippines - Kakalas ang Wangs Basketball sa three-way tie sa unahan habang makikilatis ang lakas ng Cagayan Valley Rising Suns at Jumbo Plastic Linoleum sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Arena sa Pasig City.
Kasalukuyang magkakasalo ang Wangs, Cafe France Bakers at Cebuana Lhuillier Gems sa unang puwesto sa 1-0 karta matapos magsipanalo sa opening ng liga noong Lunes.
Haharapin ng Wangs, inilampaso ang AMA UniversityTitans, 96-78, ang talunan sa opening day na MP Hotel Warriors sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon.
“Hindi tulad sa huling pagsali namin, mas kumpleto ang line-up ngayon dahil may shooters, point guards at big men kami,” wika ni Lucas.
Kung mapapatotohanan nila ito ay malalaman kontra sa Warriors na nais na bumangon matapos ang 59-86 pagkadurog sa kamay ng Bakers.
Samantala, ipakikita ng Rising Suns at Giants ang bagong puwersa sa pag-asinta ng panalo sa magkahiwalay na laro.
Katunggali ng Cagayan ang MJM Builders-FEU sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang Jumbo Plastic ay masusukat sa Bread Story-Lyceum sa alas-4 ng hapon.
- Latest