SAN ANTONIO--Kumonekta si Tony Parker ng isang go-ahead 3-pointer sa huling 1:07 minuto at sinimulan ng San Antonio Spurs ang kanilang pagdedepensa mula sa 101-100 panalo laban sa Dallas Mavericks.
Tumapos si Parker na may 23 points at nag-ambag si Manu Ginobili ng 20 para sa San Antonio.
Kumolekta si Tim Duncan ng 14 points at 13 rebounds para sa kanyang pang-14th double-double sa isang season opener, ang pinakamarami na nagawa ng isang player sa NBA history, ayon sa Elias Sports.
Ibinigay ni Dirk Nowitzki sa Dallas ang 100-98 lamang mula sa kanyang fadeaway jumper sa 1:37 minuto, ngunit kumamada si Parker ng 3-points sa huling 30 segundo sa harap ng bench ng Mavericks.
“It was a great basketball game, you can’t kick off the season with a better game than this for the fans - there’s no way,” sabi ni Dallas coach Rick Carlisle. “Unfortunately, the slim margins of winning and losing are all that anybody remembers. If we get one more stop one more basket than we’re all him here singing a different tune. That’s the world we live in the Western Conference.”
Nagtala si Monta Ellis ng 26 points para sa Dallas kasunod ang 18 ni Nowitzki at 17 ni Devin Harris.
Sa Los Angeles, umiskor si James Harden ng 32 points at kumolekta si Dwight Howard ng 13 points at 11 rebounds para tulungan ang Houston Rockets sa 108-90 panalo kontra sa Lakers.
Minalas ang pagbabalik ni Kobe Bryant matapos mabalian ng kanang binti si Lakers rookie forward Julius Randle sa fourth quarter at inilabas sa court sa pamamagitan ng stretcher.
Nakabangga ng seventh overall pick mula sa Kentucky ang dalawang Rockets sa ilalim ng basket at masama ang pagkakabagsak.
Umiskor si Bryant ng 19 points sa kanyang unang laro sa Staples Center matapos iupo ang halos kabuuan ng nakaraang season dahil sa dalawang major injuries.
Sa New Orleans, nagtuwang sina 7-footer Omer Asik kay 6-10 All-Star Anthony Davis sa pinagsamang 40 points, 34 rebounds at 14 blocks, at tinalo ng New Orleans ang Orlando Magic, 101-84.