^

PSN Palaro

Shakey’s V-League season 11th PLDT magpipilit manalo vs Army

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walisin ang kanilang laro sa elimination round ang nakataya na lamang sa Army Lady Troopers sa pagharap sa PLDT Home Telpad Turbo Boos­ters sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng Lady Troo­pers ang Turbo Boosters sa ikalawang laro dakong alas-6 ng gabi at ika­anim na sunod na panalo ang ma­hahagip ng Army sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Mauunang magsukatan ang Systema Active Smashers at Rizal Technological University Blue Thunders sa ganap na alas-4 ng hapon at pakay na lamang ng una ang manalo para sa momentum sa finals.

Selyado na ng Systema Instituto Estetico Manila Volley Masters ang upuan sa championship round dahil parehong talsik na ang Blue Thunders at FEU Tamaraws.

Pasok na sa finals ang Army pero asahan pa rin ang pagpuntirya sa panalo para magkaroon ng momentum sa pagsapit ng championship round.

Umani ng four-set panalo ang Lady Troopers sa Turbo Boosters sa unang pagtutuos at dapat silang maging handa sa mas ma­tinding hamon dahil sa kahalagahan ng makukuhang panalo ng huli.

Sa 2-3 baraha ay kaila-ngan ng PLDT na magwagi at manalangin na matalo ang pumapangalawang Cagayan Valley Lady Ri­sing Suns (3-2) sa walang panalong Meralco Power Spikers upang umabante na rin sa championship.

vuukle comment

ARMY LADY TROOPERS

BLUE THUNDERS

CAGAYAN VALLEY LADY RI

HOME TELPAD TURBO BOOS

LADY TROO

LADY TROOPERS

MERALCO POWER SPIKERS

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDERS

TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with