^

PSN Palaro

Cafe France, Wangs, Cebuana nagpasiklab

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kumulekta agad ang Café France ng 31 puntos sa unang yugto pa lamang para katampukan ang 86-59 pagdurog sa MP Hotel sa pagsisimula kahapon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.

May 10 sa 11 puntos si Fil-Am Maverick Ahanmisi para pangunahan ang 31-9 abante tungo sa paglista ng unang panalo sa liga.

“Maganda ang start. Pero hindi puwedeng ma­ging basis ito sa takbo ng team. If we can play with the same intensity and passion in our next games, especially against elite teams, baka makumbinsi ako,” wika ni Bakers coach Edgar Macaraya.

Wala rin naging problema ang pinalakas na Cebuana Lhuillier Gems sa unang bakbakan matapos durugin din ang Racal Motors, 89-70, sa ikalawang laro.

Sumalo rin ang Wang’s Basketball sa 1-0 baraha matapos gutay-gutayin ang AMA University Titans, 96-78, sa ikatlong laro.

Ang mga manlalaro ni Macaraya sa Centro Es­colar University na sina Alvin Abundo at Rodrique Ebondo ay may 11 at 10 puntos habang si Jam  Cortes ay may 10 pa para sa solidong pag-atake.

Si Jamabon Bulac ang nanguna sa koponang pag-aari ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa siyam na puntos.

Sa unang minuto lamang nakitaan ng laban ang bagong koponan dahil nakatabla sila sa 4-4.

Mula rito ay nag-init ang amay ni Ahanmisi nang pakawalan ang dalawang triples para sa 27-5 palitan.

Nagpasikat ang rookie na si Bradwyn Guinto sa double-double na 18 puntos at 14 rebounds at siya ay nakipagtulungan kina Paul Zamar at Allan Mangahas sa malakas na paglalaro sa second period upang maisantabi ang 18-4 panimula ng Racal Motors.

vuukle comment

ALLAN MANGAHAS

ALVIN ABUNDO

BRADWYN GUINTO

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CENTRO ES

D-LEAGUE ASPIRANTS

EDGAR MACARAYA

FIL-AM MAVERICK AHANMISI

RACAL MOTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with