Waiters inilaglag ng Cavaliers

Dion Waiters

CLEVELAND -- Ginamit ng Cavaliers ang fourth-year contract option kay guard Dion Waiters, isang dating first-round pick na magkakaroon sana ng breakout season para sa bagong opensa ng kopo­nan.

Inaasahang makukuha ng Cavs ang option na nagkakahalaga ng $5.1 milyon mula sa kontrata ni Waiters.

Nagposte si Waiters ng average na 15.3 point sa nakaraang season, ngunit maaaring hindi makaka­kuha ng open shots nga­yong magkakasama na sina LeBron James, Kyrie Irving at Kevin Love sa Cleveland.

Binitawan din ng Cavaliers si forward Shane Edwards at nangangahulugan na kasama na sina point guard A.J. Price, forward Lou Amundson at undraf­ted rookie center Alex Kirk sa final 15-man roster.

Sa Los Angeles, pina­kawalan ng Clippers si forward Joe Ingles isang buwan matapos siyang papirmahin.

Dahil dito ay bumaba sa 15 players ang roster ng Clippers.

Sa Dallas, inilaglag ng Mavericks sina center Bernard James, forward Ivan Johnson at guard Doron Lamb para makumpleto ang kanilang 15-man roster sa pagsisimula ng season.

Sa Phoenix, inalis ng Suns si center Earl Barron.

 

Show comments