Petron sumalo sa liderato

Hinatawan ni Kristy Jaeckel ng Mane N Tail sina Erica Adachi at Dindin Santiago ng Petron sa aksyong ito sa PSL Grand Prix, ang laro ay idinaos sa Sto. Domingo Sports Complex sa Vigan City, Ilocos Sur kahapon.

Laro sa Miyerkules

(Cuneta Astrodome)

2 pm  Mane ‘N Tail vs Foton (W)

4 pm Cignal HD vs Petron (W)

6 pm PLDT vs Cavite (M)

 

MANILA, Philippines - Lumabas uli ang ba­ngis ng mga higante ng Petron Lady Blaze Boosters para kunin ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 21-25, 25-16, 25-21, 29-27, panalo laban sa Mane ‘N Tail sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics kagabi sa Sto. Domingo Coliseum sa Ilocos Sur.

Si Alaina Bergsma ay gumawa ng 25 puntos habang si Dindin Santiago ay may 11 hits, kasama ang mga krusyal na puntos sa huling set, para makasalo ang Petron ng Cignal HD Lady Spikers sa liderato sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partner.

Naghatid pa si Carmina Aganon ng 15 puntos para walang naging problema ang import-setter na si Erica Adachi na may 53 excellent sets.

Pero sa huli ay ang 6’2 na si Santiago ang inasa­han ng Lady Blaze Boos­ters at hindi naman niya ipinahiya ang koponan nang pa­kawalan ang magkasunod na hits matapos ang 26-all iskor para matuwa ang mga nanood sa pangunguna ni Ilocos Sur Ryan Singson.

Pinantayan ni Kristy Jaeckel ang pinakamataas na puntos na ginawa sa liga na hawak ni Santiago na 37 puntos pero nabantayan siya sa huli upang matalo sa ikalawang sunod ang Lady Stallions.

Masasabing pinag-aralan muna ng Petron ang laro ng Mane ‘N Tail sa first set para makita ang lakas at kahinaan na kanilang pinagtuunan upang maipanalo ang sumunod na tatlong sets. (AT)

 

Show comments