D-League ‘di mawawalan ng mahuhusay na manlalaro
MANILA, Philippines – Mabawasan man ng mga koponang kalahok ay hindi mawawalan ng mga mahuhusay na manlalaro ang PBA D-League.
Mangyayari ito dahil ang ligang ito na binigyan ng buhay ng PBA ang siyang daraanan ng mga mahuhusay na manlalaro na nais na mapabilang sa mga koponang naglalaro sa pro league.
Sa PSA Forum kahapon sa Shakey’s Malate ay sinabi ni PBA operations chief Ricky Santos na hindi lamang ang mga Fil-foreigners ang dapat na maglaro sa D-League para tanggapin sa taunang Rookie Draft kundi pati ang mga local players.
“Inaprubahan ito noong off-season at ang mga local players ay kailangang nakapaglaro ng at least seven games sa isang conference para mapasama sa Rookie Draft. Mananatili naman ang two-conference and at least 14 games para sa mga Fil-foreigners,” ani Santos. (AT)
- Latest