Cignal magsosolo sa itaas vs Mane‘N Tale
MANILA, Philippines – Ikalawang sunod na panalo ang nakataya sa Cignal HD Lady Spikers habang babangon mula sa pagkatalo ang RC Cola-Air Force Raiders sa pagpapatuloy ngayon ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics sa Cuneta Astrodome.
Kakalas ang HD Lady Spikers sa pakikisalo sa liderato sa Petron Lady Blaze Spikers kung manalo sa baguhang Mane ‘N Tail Lady Stallions sa ganap na alas-2 ng hapon.
Galing ang Cignal sa 25-17, 25-23, 25-23, straight sets panalo sa Raiders at nagpakilala ang mga mahuhusay na imports na sina Sarah Ammerman at Lindsay Stalzer matapos ang 18 at 15 puntos sa larong inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthyway Medical, Generika Drugstore, Jinling Sports at LGR bilang technical partners.
“Mahuhusay ang mga imports namin at ito ang kanilang galing at ang kanilang galing ang sasandalan namin para manalo pa,” wika ni coach Sammy Acaylar.
Ang nagbabalik na import na si Kaylee Manns ay kinuha ng Lady Stallion at isinama kay dating Florida Gator player Kristy Jaeckel para bigyan ng magandang panimula ang tropa ni coach Francis Vicente.
Ang Raiders ay masusukat sa isa pang expansion team Foton Tornadoes sa ikalawang women’s match dakong alas-4 habang ang ika-6 ng gabi na tunggalian ay sa panig ng Cignal at Bench-Systema sa kalalakihan.
Sina Irina at Elena Tarasova ang ipaparada ng Foton bilang mga imports at makakatambal ng mga locals sa pangunguna nina Jull Gutillo, Ivy Remulla, Patty Orendain, Karla Bello at Rubie De Leon. (RC)
- Latest