Donaire ‘di na takot mawalan ng titulo, lalaban sa mas mababang timbang

SANTA CLARITA, California--Ang boses galing sa kabilang linya ay tila hindi nagmula sa isang boksingero na napabagsak nu’ng isang gabi.

“I feel good,” sabi ni Nonito Donaire Jr. halos 24 oras matapos siyang patumbahin ni Nicholas Walters sa StubHub Center sa Carson City.

Sinabi niyang magpapahinga muna siya at magbabalik para lumaban sa mas mababang weight division.

 “Wala na akong takot ngayon. Wala na akong takot matalo,” wika ni Donaire.

“Wala na akong takot mawalan ng belt. I just want to learn from this and be better,” dagdag pa nito.

Ang dating featherweight champion ay nasa kanyang suite sa Marriott Hotel sa Manhattan Beach kung saan niya tinanggap ang kanyang mga bisita pati ang mga tawag sa telepono.

Hindi mo maaaninag sa kanya ang pagkadismaya at kalungkutan dahil sa pagngiti niya habang kausap ang ilang bisita.

Tinapatan ni Donaire ang Jamaican at muntik pang makaiskor ng isang knockdown sa second round.

Ngunit nang umatake siya ang napatumba sa third round.

Sa unang pagkakataon sa kanyang 13-year career na nagtampok sa kanyang mga world titles sa apat na magkakaibang weight classes ay napabagsak si Donaire.

“He caught me with that uppercut. That changed the game. I didn’t see that. I knew my power was still there but it took away my legs, my body,” ani Donaire.

Matapos ang  6th  round ay tumama sa kanya ang overhand right ni Walters.

“Sakit ko yun. During the break, my dad told me we had the advantage. He asked me to box,” wika pa ni Donaire.

Base sa official punch stats, nagpakawala si Do­naire ng 169 punches, ang 40 dito ay tumama, habang may 85 si Walters mula sa kanyang 284 suntok.

Nagtala si Walters, ang nag-iisang WBA featherweight champion, ng 162 jabs na kumonekta ng 44 beses kay Donaire, may 59 jabs at apat lamang ang tumama.

 

Show comments