^

PSN Palaro

Nets sinilo ang Kings

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon

BEIJING, China, Philippines--Tinapos ng mga partisipante ng Jr. NBA at Jr. WNBA ang kanilang pagbisita sa China matapos personal na mapanood ang Brooklyn Nets at ang Sacramento Kings sa isang NBA Glo­bal Games sa Mastercard Center.

Tinalo ng Nets ang Kings, 129-117, sa overtime para sa kasiyahan ng mga Jr. NBA, Jr. WNBA All-Stars kasama ang mga Pinoy na ang five-day trip ay ginastusan ng Alaska Milk at may basbas ng NBA.

Hindi ginamit ni Brooklyn coach Lionel Hollins si future Hall of Famer Kevin Garnett.

“Dream come true na para sa akin ang makita ang idol (Garnett) ko kahit hindi pa siya naglaro,” sabi ng 14-anyos na si Jan Cyril Narvasa, miyembro ng 14-man team na kumatawan sa bansa sa Jr. NBA/Jr. WNBA event.

Hindi rin naglaro si De­Marcus Cousins, ang franchise player ng Sacramento bagamat nakasuot siya ng uniporme.

Pinalakpakan naman sina Deron Williams, Joe Johnson at Andrei Kirilenko ng Nets at maging si Rudy Gay ng Kings.

Nanood din sina Chinese legend Yao Ming at Vlade Divac, binisita ang pagsasanay ng mga Jr. NBA at Jr. WNBA players kasama ang ilang players mula sa NBA Yao School.

Ang ilan pang tumunghay ay sina Shaquille O’Neal, Mitch Richmond at Chris Mullin, miyembro ng United States original Dream Team.

ALASKA MILK

ANDREI KIRILENKO

BROOKLYN NETS

CHRIS MULLIN

DERON WILLIAMS

DREAM TEAM

HALL OF FAMER KEVIN GARNETT

JAN CYRIL NARVASA

JOE JOHNSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with