^

PSN Palaro

Bulldogs ‘di na maghihintay ng 60 taon para sa UAAP crown

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa isa nilang tune-up game laban sa isang koponan ng PBA D-League ay nanalo ang National University via buzzer beater.

Sa naturang laro ay nakita na ni head coach Eric Altamirano ang pagiging espesyal ng mga Bulldogs.

“We played a D-League team and we won via buz­zer beater. And I told them after the game, you know there’s something special about this team,” wika ni Altamirano. “This team doesn’t know how to give up, they refuse to lose.”

“And I think that’s the character of this team. There’s unity and a holistic spirit in them. They really love playing for each other,” dagdag pa ng mentor.

Inangkin ng Bulldogs ang kanilang unang korona matapos ang 60 taon makaraang gibain ang Tamaraws ng Far Eastern University, 2-1, sa kanilang best-of-three championship series para sa 77th UAAP men’s basketball tournament.

Matapos isuko ang 70-75 kabiguan sa FEU sa Game 1 ay rumesbak ang NU sa Game 2, 62-47, at sa Game 3, 75-59.

Ito ang ikalawang UAAP title ng Bulldogs ma­tapos noong 1954.

Nakamit naman ni head coach Eric Altamirano ang kanyang pangalawang UAAP title matapos makatuwang sina Benjie Paras at Ronnie Magsanoc sa paggiya sa UP sa kampeonato noong 19­89.

Bago makarating sa UAAP Finals ay kinaila­ngan ng NU na sibakin ang University of the East sa playoff para sa No. 4 seat sa semifinal round at dalawahan ang No. 1 Ateneo, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage, sa Final Four.

Inialay ni Altamirano, kinuhang coach ng Bulldogs noong 2010, ang kanilang kampeonato para sa mga dating players ng NU, kagaya nina two-time PBA Most Valuable Player Danny Ildefonso, Lordy Tugade, Edwin Asoro at Bobby Ray Parks, Jr.

“Para sa kanila ito,” sabi ni Altamirano. “For all the players na nagdaan sa NU na nari-ridicule sila, pinagtatawanan sila dati, ‘yung frustration nila of not winning, lahat ng paghihirap nila, naiisip namin ‘yun ngayon.”

Si Cameroonian import Alfred Aroga ang hinirang na Finals MVP mula sa kanyang 24 points at 18 rebounds sa Game Three.

“I’m so happy. We went through a lot. In the beginning, it looked like we will not make it. But we worked hard on defense and stayed humble,” wika ng 6-foot-7 na si Aroga na nakatuwang sina Gelo Allolino, Jeth Troy Rosario at Glenn Khobuntin.

Umaasa naman si Al­ta­mirano na hindi na mag­hihintay ang Bulldogs ng isa pang 60 taon para makakuha ng UAAP title.

“It’s a breakthrough. I hope this is just the start for NU.  The culture and winning tradition is there. Hopefully, it will follow,” wika ni Altamirano.

 

ALFRED AROGA

ALTAMIRANO

BENJIE PARAS

BOBBY RAY PARKS

D-LEAGUE

EDWIN ASORO

ERIC ALTAMIRANO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with