^

PSN Palaro

San Mig Coffee tatawagin ng Purefoods Star Hotshots

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling isusuot ng reigning PBA four-peat champions na San Mig Coffee ang uniporme ng Purefoods sa pagsisimula ng PBA Season 40 sa Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Si James Yap at ang kanyang mga kakampi ay ta­tawaging Purefoods Star Hotshots sa kanilang pag-target sa pang-limang sunod na korona na sisimulan nila sa Miyerkules sa pagsagupa sa Alaska Milk Aces sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang inihayag ng management sa thanksgiving party sa Mega Tent sa Libis, Quezon City kahapon.

“We have new products under the Purefoods Star brand. We’re promoting these,” sabi ni Rene Pardo, ang kinatawan ng koponan sa PBA board.

“Saka swerte kami kapag nagpapalit ng pangalan. Champion agad,” ani Pardo.

Sumali ang prangkisa sa PBA noong 1988 at gamit ang Purefoods Hotdogs at naging instant hit dahil kina playing coach Ramon Fernandez, dating MVP Freddie Hubalde at mga prized amateur recruits na sina Jerry Codiñera, Jojo Lastimosa, Glenn Capacio at Jack Tanuan.

Lalo pang sumikat ang koponan sa paglalaro nina Alvin Patrimonio, Nelson Asaytono at Dindo Pumaren.

Sa ilalim ng Purefoods banner, kumuha si Patrimonio at ang tropa ng pitong PBA titles.

Sinikwat ni legendary coach Virgilio “Baby” Dalupan ang kanyang pang-15 PBA titles at ang kauna-unahan para sa Purefoods sa come-from-behind 3-2 titular series win kontra sa Alaska Milk noong 1990 Third Conference.

Inangkin ng Purefoods sa ilalim ng namapaya nang si Ely Capacio ang sumunod na all-Filipino tourney kasunod ang pagbibigay ng korona nina Chot Reyes, Eric Altamirano at Ryan Gregorio.

ALASKA MILK

ALASKA MILK ACES

ALVIN PATRIMONIO

CHOT REYES

DINDO PUMAREN

ELY CAPACIO

ERIC ALTAMIRANO

FREDDIE HUBALDE

PUREFOODS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with