Donaire alam kung paano pababagsakin si Walters
CARSON, California – Naglakad si Nonito Donaire Jr. sa lobby ng Marriott Hotel nang walang nakakapansin.
Ilan lamang ang mga kasama niya at isa rito ang kanyang asawang si Rachel at ang kanyang father/rainer na si Nonito Sr.
“I just went for a run to lose some weight,” sabi ng Filipino boxer habang nakaupo sa gray leather couch para makausap ang mga Manila-based scribes na tutugaygay sa kanyang laban.
Sa Linggo (Manila time) sa StubHub Center ay lalabanan ni Donaire si Nicholas Walters ng Jamaica para sa WBA featherweight crown.
Ang WBA ay may dalawang bersyon ng featherweight title. Hawak ni Donaire (33-2) ang super title at tangan ni Walters (24-0) ang world title.
Sa susunod na mga araw ay isang tao na lamang ang hahawak ng dalawang titulo.
Nauna nang sinabi ni Walters, isang natural featherweight, na pababagsakin niya si Donaire sa loob ng six rounds.
Mayroon siyang lakas at karapatan na sabihin ito dahil sa kanyang 20 knockouts.
Mas alam naman ni Donaire, isang four-division world champion na naghari sa flyweight, bantamweight, super-bantamweight at featherweight, kung paano tatalunin si Walters.
“What I can say is that all my words coming out from this point on in terms of fighting will be inside the ring. I’m not going to say he’s good or I’m good. Nothing of that sort,”ani Donaire.
- Latest