Champion jins sisipa sa Smart MVP Best of the Best tourney

MANILA, Philippines – Mga taekwondo cham­pions ang kukuha ng atensyon sa Oktubre 18 at 19 sa SM Fairview sa pagsambulat ng 2014 Smart MVP Best of the Best Taekwondo Cham­pionships.

Nasa 600 senior at junior male at female jins ang magsasagupa sa iba-ibang weight categories at ang mga mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na masama sa national pool.

Mga blackbelts mula sa 12 rehiyon, kasama ang ARMM, CAR, CARAGA at  NCR bukod sa mga gold medalists ng Luzon, Visayas at Mindanao national championships, UAAP, NCAA, AFP-PNP Olympics ang mga pahihintulutang sumali sa dalawang araw na torneo.

Ang Smart Communication  na pinamumunuan ni PLDT chairman Manny V. Pangilinan ay susuporta uli sa premyadong torneo ng Philippine Taekwondo Association (PTA).

Bukod ito sa tulong pa mula sa MVP Sports Foun­dation, PLDT, TV5 at Meralco.

Para maging patas ang hurado sa bawat laban ay gagamit ang PTA ng PSS (protective scoring system) at ESS (electronic scoring system), IVR (instant video replay) at electronic armors at socks.

Show comments