Ingatan n’yo si Pacquiao - Roach
MANILA, Philippines – Binawi ni Freddie Roach ang kanyang naunang pahayag na hindi pahihintulutan si Pambansang kamao Manny Pacquiao na maglaro sa PBA.
Si Pacquiao ang pla-ying coach ng bagong koponan na Kia Sorentos na sasalang agad sa aksyon laban sa Blackwater Elite sa pagbubukas ng liga sa Linggo sa Philippine Arena.
Ayon sa isang artikulo sa Philboxing.com, lumabas na lumambot ang puso ni Roach nang mismong si Pacquiao na ang humingi ng pahintulot para makapaglaro siya.
“Yeah, he asked my permission to play in the opening day for the fans, so I told him I’ll allow him to see action for only one minute,” wika ni Roach.
Naintindihan ni Roach na gusto ng mga panatiko ni Pacquiao na makita siya sa ibang sport, basketball, kaya’t wala siyang tutol sa naisin ni Pacman.
Isa lamang ang kanyang kahilingan hindi lamang sa Kongresista ng Sarangani Province kungdi pati sa mga makakaharap na manlalaro, na ingatan nila si Pacquiao upang hindi magkaroon ng injury at madiskaril ang pagdepensa sa hawak na WBO welterweight title laban sa walang talong American WBO light welterweight king na si Chris Algieri sa Nobyembre 23 sa Macau.
“I know how tough and sometimes rough basketball games here are and all I beg his would-be rivals is to please take care of Manny. You can block his shots, steal the ball away, but please, don’t hurt him if you indeed treasure him as your boxing icon,” dagdag ng batikang trainer.
Nilinaw pa ni Roach na ang pagpayag niya para makalaro si Pacquiao ay para lamang sa unang araw ng liga.
Sa mga susunod na laro ay dapat na makontento muna si Pacman sa pagko-coach para matiyak na hindi maaabala ang kanilang pagsasanay.
“The permit is only for the opening day. We had just shifted training to a higher level and I don’t what that interrupted,” pagdidiin ni Roach.
- Latest