Marikina tossers papalo sa Petron beach volley semis

MANILA, Philippines - Ang mga baguhang sina Shirley Martinez at Lourdes dela Cruz ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina ay pumasok sa semifinals sa 2014 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament sa 21-18 panalo kina Sheila Mae Nanquil at Alyanna Gorospe ng Dasmariñas kahapon sa UE Kaloocan sand court.

“Kumapit kami sa teamwork kaya kahit mahirap habulin ang bola ay nagawa pa rin naming ipanalo ang larong ito,” wika ni freshman na si Dela Cruz.

Ang drop shot ni Martinez ang nagbigay ng 19-17 kalamangan bago ito nasundan ng error ni Gorospe para lumapit sa match point. Tinapos ni dela Cruz ang labanan sa isa pang drop shot para sa 2-1 baraha sa Group A.

Makakapaluan nila ang pambato ng UE na sina Krycel Cueva at Francislyn Cais sa semis sa ligang suportado ng Petron at Mikasa balls.

Pumasok sina Cueva at Cais nang walisin ang tatlong laro sa Group B.

Umabante rin sina Melanie Carrera at Cindy Benitez ng Pangasinan 1 gamit ang 3-0 seeep sa Group A

Show comments