Top seed ang Lions

  Kumuha ng foul si Ric Gallardo ng Perpetual kay Abdul Wahab ng JRU sa aksyong ito sa NCAA.  

MANILA, Philippines - Ibinagsak  ng four-time defending champion San Beda ang buong puwersa sa Arellano tungo sa 97-69 dominasyon para hawakan ang number one see­ding sa 90th NCAA men’s basketball playoff kagabi sa The Arena sa San Juan City.

May 19 puntos si Baser Amer para pangunahan ang mga starters na nagtrabaho sa ikalawang yugto bago ipinaubaya sa bench ang paglayo ng Red Lions sa second half para putulin din ang tatlong sunod na kabiguan.

Naiwanan ng Chiefs sa 0-8 sa pagsisimula ng laro, nagtulong-tulong sina Amer, Kyle Pascual, Ola Adeogun, Anthony Seme-rad at Arthur dela Cruz sa 17-0 bomba na nagdugtong sa ikalawa at ikatlong canto upang ang 28-32 iskor ay naging 47-32 kalamangan.

Sina Dan Sara, Ryusei Koga, Jaypee Mendoza ang mga sumalo sa pagpuntos para ilayo ang Lions ng hanggang 32 puntos, 97-65, para ipaalam din ang kanilang kahandaan na harapin na ang Final Four.

May 11 at 10 puntos sina Levi Hernandez at Keith Agovida para sa Chiefs na nalagay sa ikalawang puwesto.

Kalaban ng San Beda sa Final Four ang Perpe­tual Help habang ang Chiefs ay mapapalaban sa host Jose Rizal sa Oktubre 15 sa Mall of Asia.

Nakuha ng Bombers ang ikatlong puwesto sa 82-79 overtime panalo sa Altas sa unang laro.(ATan)

San Beda 97--Amer 21, Adeogun 15, Pascual 14, Sara 10, Dela Cruz 10, Mendoza 9, Koga 7, A. Semerad 6, D. Semerad 5, Tongco 0.

Arellano 69--Hernandez 11, Agovida 10, Jalalon 8, Holts 8, Cadavis 6, Nicholls 5, Caperal 4, Enriquez 4, Ortega 3, Gumaru 2, Salcedo 2, Ciriacruz 2, Bangga 2, Pinto 2, Palma 0.

Quarters: 18-22, 43-32, 67-56, 97-69.

Show comments