^

PSN Palaro

Sa FIBA 3x3 World Tour Finals: Altamirano tiwala sa Manila West Cagers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pag­ka­kataon ang mga PBA players na sina KG Canaleta, Rey Guevarra, Aldrech Ramos at Terrence Romeo na patunayan na puwede rin ang Pilipinas na maging kampeon sa 3x3 sa paglahok sa FIBA 3x3 World Tour Finals ngayong Sabado at Linggo sa Sendai, Japan.

Ang Pilipinas ay isa sa 12 koponan na nag-qualify sa anim na qualifying tournaments na ginawa sa ka­agahan ng taon.

Sina Canaleta ng Talk N’ Text, Guevarra ng Meralco, Ramos ng NLEX at Romeo ng Globaport ang bumuo sa Manila West na nanguna sa Manila Mas­­ters leg noong Agosto matapos talunin ang nag­de­depensang kampeong Qatar sa Fashion Hall sa SM Megamall.

Nasa Pool B ang Pilipinas kasama ang Sao Paolo ng Brazil at Bucha­rest ng Romania at ka­i­la­­ngan tumapos ang lahok ng bansa sa unang dalawang puwesto para umusad sa knockout quarterfinals.

Ang iba pang kasali ay ang Denver (USA), Santos (Brazil) at Novi Sad (Serbia) sa Pool A, Kranj (Slovenia), Jakarta (Indonesia) at Wukesong (China) sa Pool C at Saskatoon (Canada), Trbovlje (Slovenia) at Kobe (Japan) sa Pool D.

Sina coach Eric Altamirano ng National University Bulldogs at John Flores ng La Salle Greenhills ang siyang tatayong mentors ng koponan.

Noong Martes ay nakita ni Altamirano ang apat na players at wala siyang nakikitang problema sa kondis­yon ng pangangatawan ng mga manlalaro lalo pa’t aktibo sila sa pagsa­sanay sa kani-kanilang koponan bilang paghahanda sa 40th PBA season. (AT)

ALDRECH RAMOS

ANG PILIPINAS

ERIC ALTAMIRANO

FASHION HALL

JOHN FLORES

LA SALLE GREENHILLS

MANILA MAS

MANILA WEST

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with