Garcia dismayado sa ipinakita ng Team Phl sa Asiad

MANILA, Philippines - Hindi katanggap-tang­gap ang ki­nalugarang ika-pitong puwes­to ng Pilipinas sa hanay ng mga Southeast Asian countries sa ka­tatapos na 17th Asian Games sa Incheon, Korea.

May 1 gold, 3 silver at 11 bronze medals ang naiuwi ng 150-pambansang atleta sa Asiad at talunan si­la ng Thailand, Malaysia, Singapore, Indonesia, Myanmar at Vietnam.

Ang nagsalba sa sa­na’y kawalan ng gintong me­dalya ay si Fil-Am Daniel Caluag na nanalo sa BMX cycling.

“We ranked seventh among SEA countries, natalo pa tayo ng Myanmar, in effect, we can’t accept this, na ganito na tayo” wika ni PSC chairman at Asian Games Chief of Mission Ri­car­do Garcia nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Ma­late kahapon.

Nakakaalarma ang nangyari dahil sunod na sa­­salihan ng bansa ay ang 2015 SEA Games sa Singapore.

“We have eight months which is enough time for us to prepare. We have to focus and the coaches and the NSAs should real­ly push for a better performance, at least mag-focus tayo sa No. 3 or No. 4 to be more realistic,” ani pa ni Garcia.

May mga masasanda­lang atleta ang bansa para sa 2015 Singapore SEAG dahil patuloy na ipaiiral ang priority sports na sinimulan ng PSC noong 2012.

(ATan)

Show comments