CEU nagreyna sa 45th WNCAA
MANILA, Philippines – Sinikwat ng Centro Escolar University ang kanilang pang-apat na dikit na women’s title via two-game sweep sa 45th WNCAA basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum noong Linggo.
Pinayukod ng CEU ang Rizal Technological University, 64-62, kung saan nakamit ni star player Janine Pontejos ang kanyang ikatlong sunod na Most Valuable Player award.
Nauna nang inangkin ng Lady Scorpions ang Game 1 mula sa kanilang 66-56 panalo noong Setyembre 28.
Pumangatlo ang San Beda College-Alabang matapos tapusin ang elimination round sa 4-2 at natalo sa RTU sa semifinals, 77-57.
Lumapit naman sa pagkopo sa titulo ang De La Salle Zobel at ang Chiang Kai Shek sa kanilang mga dibisyon.
Ito ay matapos igupo ng nagdedepensang DLSZ ang St. Stephen’s High School, 41-17, sa midget class at dinaig ng nagtatanggol sa titulong CKSC ang host La Salle College Antipolo, 54-50, sa ligang suportado ng Mikasa, Molten, OneA Bed and Breakfast, Goody, Monster Radio RX 93.1 at AksyonTV.
- Latest