Cone at Iverson magkakasama

MANILA, Philippines – Makakadaung-palad ng isang Gand Slam, history-ma­king coach ang isang world­wide basketball icon.

Makakasama ni Tim Cone, ang tanging coach sa Philippine Basketball Association na nakakuha ng da­lawang Gand Slam para sa dalawang magkaibang ko­ponan, si dating 11-time All-Star Allen Iverson para sa isang basketball clinic sa Nob­yembre 4.

Idaraos sa Bgy. Holy Spi­rit sa Quezon City sa ga­nap na alas-3 ng hapon, ang clinic ay isa sa mga ak­­tibidades na nakalinyang gawin ni Iverson sa kanyang Manila visit na tatampukan ng isang charity basketball event na tinaguriang “All In” sa Mall of Asian Arena na ini­hahandog ng PCWorx sa Nobyembre 5 para sa ka­pakanan ng Gawad Kalinga.

“I’m so honored to work with one of the true legends of the NBA. Just his mere presence will excite everyone,” sabi ng multi-titled San Mig Coffee mentor na si Cone.

Ngayon pa lamang ay na­sasabik na si Iverson sa kanyang pagbisita.

Ang nasabing basketball clinic ay may limited slots pa­ra sa mga batang may edad 10-15-anyos.

Show comments