MANILA, Philippines - Tiyak na magkakaroon ng ‘total revamp’ sa koponan ng Fighting Maroons ng University of the Philippines.
Ito ang tiniyak ni men’s basketball team manager Dan Palami matapos ang 1-13 record ng Fighting Maroons sa 77th UAAP season.
Gusto ni Palami, ang team manager ng Philippine Azkals, na repasuhin ang basketball program ng UP bilang paghahanda sa susunod na UAAP season.
Nagposte ang Fighting Maroons ng 10-102 win-loss record sa nakaraang walong taon.
Winakasan ng Diliman-based cagers ang kanilang 27-game losing skid matapos talunin ang Adamson Falcons sa first round na kanilang ipinagdiwang sa pamamagitan ng bonfire sa Sunken Garden.
Ngunit matapos ito ay sunud-sunod na kabiguan ang muling nalasap ng UP.
Nais ni Palami na dumaan sa bagong tryouts ang mga players para ipakita ang kanilang husay.