MANILA, Philippines - Tuluyan nang dinispatsa ng National University ang Far Eastern University, 59-48, para angkinin ang kauna-unahan nilang UAAP title sa women’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kumamada ang Lady Bulldogs sa second half kasabay ng paglimita sa Lady Tams sa 18 points para kumpletuhin ang kanilang16-game sweep.
Nauna nang inilampaso ng NU, natalo sa La Salle Lady Archers sa finals ng Season 76, ang FEU sa Game One, 80-58, ng kanilang championship showdown.
Nakamit ng Lady Bulldogs ang isang outright finals berth kasama ang ‘thrice-to-beat’ incentive matapos walisin ang lahat ng kanilang mga laro.
Inilampaso ng NU ang FEU sa Game One, 80-58, ng kanilang championship showdown.
Kinuha ng Lady Tams ang 11-2 abante bago sumandal ang Lady Bulldogs kay Finals MVP Gemma Miranda para makalapit sa halftime, 29-30.
Ang magkasunod na three-point shot ni Trixie Antiquiera bukod sa kanyang four-point-play ang nag-angat sa NU sa 56-47 sa huling 2:14 minuto ng fourth quarter.
Tumapos si Miranda na may 14 points at 8 rebounds at nagdagdag sina Antiquiera at Andrea Tongco ng tig-12 markers.
Muling ipaparada ng Lady Bulldogs ang buong lineup para sa susunod na UAAP Season kung saan tanging si Camilla Escoto lamang ang mawawala.
Pinangunahan naman ni Ana Valenzona ang FEU sa kanyang 14 points. (Russell Cadayona)
NU 59 – Miranda 14, Antiquiera 12, Tongco 12, Bernardino 6, Abriam 4, Gupilan 4, Paig 3, Escoto 2, Sison 2, Nabalan 0.
FEU 48 – Valenzona 14, Siat 10, Tanaman 10, Arellado 8, Ventura 4, Castro 2, Baldonado 0, Gabriel 0, Chan 0, Lozano 0.
Quarterscores: 13-19; 29-30; 40-36; 59-48.