^

PSN Palaro

Inangkin ang kauna-unahan nilang UAAP Women’s Crown: Reyna ang Lady Bulldogs

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang dinispatsa ng National University ang Far Eastern University, 59-48, para angkinin ang kau­na-unahan nilang UAAP title sa women’s basketball ka­hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumamada ang Lady Bulldogs sa second half ka­sabay ng paglimita sa Lady Tams sa 18 points para kum­pletuhin ang kanilang16-game sweep.

Nauna nang inilampaso ng NU, natalo sa La Salle La­dy Archers sa finals ng Season 76, ang FEU sa Game One, 80-58, ng kanilang championship showdown.

Nakamit ng Lady Bulldogs ang isang outright finals berth kasama ang ‘thrice-to-beat’ incentive matapos wa­lisin ang lahat ng kanilang mga laro.

Inilampaso ng NU ang FEU sa Game One, 80-58, ng kanilang championship showdown.

Kinuha ng Lady Tams ang 11-2 abante bago sumandal ang Lady Bulldogs kay Finals MVP Gemma Miranda pa­ra makalapit sa halftime, 29-30.

Ang magkasunod na three-point shot ni Trixie Anti­quiera bukod sa kanyang four-point-play ang nag-angat sa NU sa 56-47 sa huling 2:14 minuto ng fourth quarter.

Tumapos si Miranda na may 14 points at 8 rebounds at nagdagdag sina Antiquiera at Andrea Tongco ng tig-12 markers.

Muling ipaparada ng Lady Bulldogs ang buong lineup pa­ra sa susunod na UAAP Season kung saan tanging si Camilla Escoto lamang ang mawawala.

Pinangunahan naman ni Ana Valenzona ang FEU sa kanyang 14 points. (Russell Cadayona)

NU 59 – Miranda 14, Antiquiera 12, Tongco 12, Ber­nardino 6, Abriam 4, Gupilan 4, Paig 3, Escoto 2, Sison 2, Nabalan 0.

FEU 48 – Valenzona 14, Siat 10, Tanaman 10, Arel­lado 8, Ventura 4, Castro 2, Baldonado 0, Gabriel 0, Chan 0, Lozano 0.

Quarterscores: 13-19; 29-30; 40-36; 59-48.

ANA VALENZONA

ANDREA TONGCO

ANTIQUIERA

CAMILLA ESCOTO

FAR EASTERN UNIVERSITY

GAME ONE

LADY BULLDOGS

LADY TAMS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with