^

PSN Palaro

Suarez hihirit ng ginto

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea -- Na­i­wan sa mga kamay ni boxer Char­ly Suarez ang pagha­ha­ngad ng Team Philippines na ma­dagdagan ang isang ginto nang umabante sa finals sa men’s lightweight division  sa 17th Asian Games kahapon sa Ganghwa Dolmens gymnasium.

Ginamit ng 26-anyos na beterano ng World Series of Boxing ang malawak na karanasan para isantabi ang hamon ni Mohammad Mustafa Alkasbeh ng Jordan patungo sa 2-1 panalo sa semifinals.

“Hinayaan ko lang siyang sumugod nang sumugod at tsaka ako umatake,” wika ni Suarez.

Matatapos ang bo­xing ngayon at kalaban ni Sua­rez si Otgondalai Dorjnyambuu ng Mongolia para sa gin­­tong medalya.

“This is a good sign. Suarez is just one win away from the gold. If he sustain the momentum and keep his excellent fighting form, there’s no doubt he will win the gold,” sabi ni Chief of Mission Ri­chie Garcia.

Nabigo sina London Olympian Mark Anthony Barriga, Mario Fernandez at  Wilfredo Lopez sa kanilang mga laban para makuntento sa tanso.

Isinuko ni Bar­riga ang 0-3 kabiguan kay Jonghun Shin ng host Korea sa light flyweight division, habang yu­mukod si Fernandez kay Jiawei Chang ng China, 0-3, sa ban­­tamweight class at nabi­go si Lopez kay Riyad Adel Alhindawi ng Jordan, 1-2, sa middleweight.

Naghatid pa ng bronze medal si taekwondo jin Benjamin Keith Sembrano sa men’s -74kg. at ang Pilipinas at mayroong isang ginto, da­lawang pilak at siyam na tansong medalya.

Ang mga bronze meda­lists sa taekwondo ay sina Sa­­muel Mor­rison (men’s -74kg.), Ma­ry Anjelay Pelaez (wo­­men’s -46kg.) at Levi­ta Ronna Ilao (women’s -49kg.).

Minalas sina Christian Al dela Cruz (-80kg.), Ro­bert Uy (-87kg.), Nicole Abigail Cham (-53kg.), Pauline Louise Lo­pez (-57kg.) at Jane Ra­faelle Narra (-67kg.).

Sasalang ngayon sina John Paul Lizardo sa men’s -54kg., Francis Aaron Agojo sa men’s -58kg. at Kirstie Elaine Alora sa women’s -73kg.

Tumapos ang Phi­lippine Volcanoes sa ika-li­mang puwesto kahit nanalo sa China.

Natalo si Oren­cio James delos Santos kay Zheng Zhi Man ng Hong­kong, 1-4, sa ka­ta class com­petition.

 

vuukle comment

ANJELAY PELAEZ

ASIAN GAMES

BENJAMIN KEITH SEMBRANO

CHIEF OF MISSION RI

CHRISTIAN AL

FRANCIS AARON AGOJO

GANGHWA DOLMENS

SHY

SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with