Kobe sumali na sa ensayo ng Los Angeles Lakers

LOS ANGELES -- Su­mama na si Lakers superstar guard Kobe Bryant sa ensayo ng kanyang ko­ponan sa unang pagka­kataon matapos ang kanyang knee injury 10 buwan na ang nakakalipas.

Sinabi ni Bryant na ma­­ganda ang kanyang kon­disyon at wala siyang na­­raramdamang kirot sa kan­­yang tuhod.

“I felt normal. I felt like my­self,” sabi ni Bryant. “That’s a good thing.”

Sa Miami, tatlong linggo namang hindi makakalaro si Heat center Justin Ha­milton matapos sumailalim sa procedure para ayusin ang kanyang atrial flutter.

Dinala si Hamilton sa os­pital nang makaramdam ng paglutang sa kanilang team practice.

Sa Denver, pinapirma ng Nuggets sina forwards Jerrelle Benimon, Alonzo Gee, Pops Mensah-Bonsu at Marcus Williams.

Naglaro si Benimon pa­ra sa Heat sa Orlando Sum­mer League at para sa Nuggets sa Las Vegas Summer League.

Si Gee ay naglalaro sa apat na koponan.

Show comments