DOVER, Del. -- Wala pang katiyakan kung makakalaro si Philadelphia 76ers guard Michael Carter-Williams matapos ang isang offseason shoulder surgery.
Sumailalim si Carter-Williams, ang 2014 NBA Rookie of the Year, sa surgery noong Mayo para ayusin ang labrum sa kanyang kanang balikat.
Sinabi ni Sixers coach Brett Brown na hindi pa pinapayagang maglaro si Carter-Williams sa pagsisimula ng kanilang training camp bukas.
Si Carter-Williams ang tanging ikatlong player mula noong 1950-51 na namuno sa lahat ng rookies sa scoring (16.7), rebounding (6.3) at assists (6.2) at nakahanay sina Oscar Robertson (1960-61) at Alvan Adams (1975-76).
Si Allen Iverson ang isa pang player sa Sixers history na nanalo ng rookie award.