UST kampeon muli sa UAAP judo

MANILA, Philippines - Muling nakamit ng Uni­ver­­sity of Santo Tomas ang korona sa men’s at wo­­­­men’s judo competition sa 77th UAAP season sa Blue Eagle Gym.

Kumolekta ang Grow­ling Tigers, binanderahan ni season MVP Al Rolan Lla­mas, ng 45 points para aga­win ang korona sa Ate­neo Blue Eagles (43).

Tinalo ni Al Rolan Llamas si Adrian Mercado sa isang all-UST finale sa men’s -66 kg. category pa­ra sa paghahari ng UST ni coach Gege Arce.

Ito ang ika-11 UAAP crown ng Growling Tigers.

Halos abot-kamay naman ng Lady Eagles ang ti­tulo sa women’s division nang nagtala ng 30 points sa unang araw, ngunit ku­mu­ha ng 42 points ang Tig­resses sa likod nina tournament MVP Annie Ramirez at Princess Lucman sa -63 kg. at -78 kg. categories, ayon sa pagkakasunod

Sa juniors division, ki­nu­ha naman ng Blue Eaglets ang ti­tulo mula sa mga pa­nalo nina MVP Christian Cle­­mente at Rookie of the Year winner Jose Ariel Que­rubin. 

Tumapos ang Ateneo na may 73 points para ta­lunin ang UST (34) at De La Salle-Zobel (13).

 

Show comments