UST kampeon muli sa UAAP judo
MANILA, Philippines - Muling nakamit ng University of Santo Tomas ang korona sa men’s at women’s judo competition sa 77th UAAP season sa Blue Eagle Gym.
Kumolekta ang Growling Tigers, binanderahan ni season MVP Al Rolan Llamas, ng 45 points para agawin ang korona sa Ateneo Blue Eagles (43).
Tinalo ni Al Rolan Llamas si Adrian Mercado sa isang all-UST finale sa men’s -66 kg. category para sa paghahari ng UST ni coach Gege Arce.
Ito ang ika-11 UAAP crown ng Growling Tigers.
Halos abot-kamay naman ng Lady Eagles ang titulo sa women’s division nang nagtala ng 30 points sa unang araw, ngunit kumuha ng 42 points ang Tigresses sa likod nina tournament MVP Annie Ramirez at Princess Lucman sa -63 kg. at -78 kg. categories, ayon sa pagkakasunod
Sa juniors division, kinuha naman ng Blue Eaglets ang titulo mula sa mga panalo nina MVP Christian Clemente at Rookie of the Year winner Jose Ariel Querubin.
Tumapos ang Ateneo na may 73 points para talunin ang UST (34) at De La Salle-Zobel (13).
- Latest