^

PSN Palaro

Nasa P186-M ang 2015 budget ng PSC

ACordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anuman ang maging resulta ng kampanya ng bansa sa 17th Asian Games sa Incheon, China ay alam na ng Philippines Sports Commission ang kanilang magiging 2015 budget mula sa Kongreso.

Sinabi ni PSC Commissioner Buddy Andrada na inaprubahan ang pondo nilang P186 milyon para sa 2015 sa congressional hearing noong nakaraang Biyernes.

“That’s what Congress wants to give us,” wika ni Andrada, nakasama si PSC Commissioner Iggy Clavecilla sa nasabing pagdinig.

Si PSC chairman Richie Garcia ay nasa Incheon Asiad bilang Chef-de-Mission ng Philippine contingent.

Ang nasabing budget  na inaprubahan ng Kongreso ay mas mataas kumpara sa P183 milyon na gustong ibi­gay ng Senado sa PSC para sa 2015.

Ang pinal na PSC budget ay pagdedesisyunan sa bi­cameral body.

Ang pondo mula sa Kongreso na tinatawag na Ge­neral Appropriations Act ay ibinibigay sa sports commission para sa araw-araw na gastusin.

Ito rin ang ipinapasuweldo sa mga PSC officials at em­ployees pati na sa pagpapatupad ng mga grassroots programs at infrastructure.

Ang bulto ng PSC budget na tinatawag na National Sports Development Fund ay halos P400 milyon bawat taon.

Ang NSDF ang ipinangbibili ng PSC sa equipment, panggastos sa local at international training ng mga atleta at monthly allowances ng mga atleta at coaches mula sa 50 NSAs (National Sports Associations).

 

APPROPRIATIONS ACT

ASIAN GAMES

COMMISSIONER BUDDY ANDRADA

COMMISSIONER IGGY CLAVECILLA

INCHEON ASIAD

KONGRESO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NATIONAL SPORTS DEVELOPMENT FUND

PSC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with